Mga PWD sa San Bartolome Elem. School sa Novaliches QC, maraming ‘di nakaboto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maraming persons with disability (PWDs) ang  hindi umabot para makaboto, matapos na mag cut off na bandang ala-1 ng hapon ang emergency accessible polling place (EAPP).

Nagkalituhan at naging pahirapan ang naging pagboto ng PWDs, dahil umakyat pa sila sa 4th floor.

Kinukwestyon din ng PWDs ang waiver na ipinapipirma sa kanila, at ibang tao ang nagsusulat sa kanilang balota.

Sinabi naman ni Lea Payoto, election officer ng EAPP, na wala silang magagawa dahil alinsunod na rin sa Comelec rules ang cut off sa PWDs.

Ipinaliwanag din nito, na ang waiver ay para sa PWDs na papayag na bumaba mula sa 4th floor at 3rd floor na sa EAPP na lamang makapag fill up ng kanilang mga balota.

Naging pahirapan din ang paghahanap ng mga pangalan para sa mga bagong rehistradong botante.

Mahirap naman hanapin ang help desk ng Comelec at NAMFREL,  para asistihan ang mga nalilitong mga botante.

May tinatayang 30,000 botante ang San Bartolome Elementary School. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us