Maaaring abutin pa ng 5:00 PM n ang pagpapatuloy ng naantalang botohan sa dalawang presinto sa Pilot Elementary School sa Bgy. Princesa sa Lungsod ng Puerto Princesa.
Kinumpirma ito sa Radyo Pilipinas Palawan ni Puerto Princesa City Election Officer Atty. Julius Cuevas na aniya ay matapos ito ay agad naman uumpisahan na ang bilangan.
Aniya tatapusin ang lahat ng nasa pila na nakuha na rin nila ang listahan ng mga pangalan.
Sa panayam ng Radyo Pilipinas Palawan kay Puerto Princesa City Police Office (PPCPO) Director Colonel Ronie Bacuel, inaresto na at sasailalim sa inquest proceedings ang mga sangkot sa pagpunit ng mga balota.
Ayon sa kampo ng mga kasamahan ng umano ay nanguna sa pagpunit ng mga wala pang sulat na balotang nasa mesa kaninang umaga ay nag-ugat anila sa galit nila sa pagdating ng grupo ng mga flying voters.
Nagpadala naman ang PPCPO ng mga police personnel sa lugar upang tiyakin na matatapos nang mapayapa ang botohan.| ulat ni Gillian Faye Ibañez| RP1 Palawan