May 10 Polling Centers sa QC, nakapagtala ng maraming botante na hindi nakaboto

Facebook
Twitter
LinkedIn

Humigit kumulang 1,670 registered voters ang hindi nakaboto mula sa 10 polling centers sa Lungsod Quezon.

Ayon sa Quezon City Police District Election Monitoring Action Center, inabutan ng pagsasara ng polling precints ang mga botante dakong alas-3 ng hapon.

Ang polling centers ay kinabibilangan ng Tandang Sora Elementary School, Placido Del Mundo Elwmentary School,
Ismael Mathay Sr. High School, L.R. Pascual Elementary School, Balon Bato Elementary School, Bonifacio MHS, Sauyo High School, Sauyo Elementary School at L.B Santos.

Inakala naman ng mga botante na hanggang alas-5 pa ang botohan kaya hindi sila pumunta ng maaga sa polling centers.

Batay naman sa ulat ng QC LGU,umabot ng 1,487,679 registered voters ang bumuto para sa barangay at 433,054 para sa Sangguniang Kabataan sa 169 precints ng 142 barangay sa lungsod. | ulat no Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us