Sistema ng water management sa ibang bansa gaya ng sa Israel, nais tularan ni Pres. Marcos Jr.

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sa gitna ng pagsisikap ng Marcos administration na masiguro ang sapat na suplay ng tubig sa bansa, inihayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na nais niyang makita na magagawa din sa Pilipinas ang sistema ng water management sa ibang bansa gaya ng sa Israel.

Sinabi ng Pangulo na sa pamamagitan ng teknolohiya ay tatlong ulit nagagamit ng Israel ang kanilang naiipong tubig na kanilang nagagawa sa tuwing umuulan.

Para sa isang bansang tinaguriang dessert country na may kakapusan sa tubig,  nakita niya, sabi ng Pangulo, kung gaano napakikinabangan ng tatlong ulit ang tubig na ginagamit sa Israel dahil na din sa maayos na water management.

Pagkatapos aniyang magamit sa pag- aalaga ng isda ang mga naipong tubig mula sa ulan, nagagamit pa ito, ayon sa Pangulo, para sa kanilang irigasyon.

Ito, ani Pangulong Marcos, ang klase ng ideya na nais niyang maipatupad sa bansa sa gjtna ng kasalukuyang water status ng Pilipinas.  | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us