Bandang 5:43pm nakamit ang 100% na opisyal na pagsara ng lahat ng mga polling centers sa buong Central Visayas.
Ito ang iniulat ng Commission on Elections Region 7 (COMELEC-7) sa isinagawang briefing ngayong gabi.
Ayon sa kanilang real-time data na ipinamahagi sa media, nasa 99.60% din na natapos ang counting habang nasa 0.33% pa ang sa canvassing.
Pinaliwanag ni Ivan delos Santos ng COMELEC-7 na posibleng aabot pa hanggang mamayang hating gabi ang isasagawang canvassing.
Nagbalik naman kaninang alas 3:37pm ng hapon ang suplay ng kuryente sa napaulat na naapektohang franchise areas ng Cebu Electric Cooperative I na karamihan ay sa 7th district ng lalawigan.
Malakas na hangin na sumira sa isang structure ng Cebeco I ang naging dahilang ng naranasang power interruption kanina.
Sa kabuoan, inilarawan na naging maayos at matiwasay ang pagsasagawa ng botohan na walang mga insidente na naitala. | ulat ni Carmel Matus| RP1 Cebu