Nagpasalamat si Vice President at Education Secretary Sara Z. Duterte sa mga guro na naglingkod ngayong araw para sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) 2023.
Ito ang pahayag ni VP Sara nang bisitahin ang Barangay Talandang, Biao Joaquin, at Barangay Los Amigos sa Davao City upang personal na makita sistema ng isinagawang halalan sa naturang mga lugar.
Ginawa ng Pangalawang Pangulo ang pagbisita matapos na bumoto kaninang umaga.
Ayon kay VP Sara, muling ipinakita ng mga guro ang tunay na diwa ng pagtutulungan at pagkakaisa upang matiyak ang tapat, maayos, at mapayapang eleksyon.
Nagbigay din ng mainit na pagbati si VP Sara sa mga mananalong kandidato at sa mga hindi pinalad.
Aniya, nawa’y hindi mawalan ng sigla na tumulong sa bayan at huwag kalimutan na hindi lamang sa posisyon makikita ang tunay na serbisyo.| ulat ni Diane Lear