Pres. Marcos Jr, nagpaabot ng pagbati sa mga idineklarang nanalo sa katatapos na BSK Elections

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binati ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang lahat ng mga bago at muling nahalal sa katatapos lang na eleksyon sa Baranggay level at Sangguniang Kabataan.

Sa naging mensahe ng Pangulong Marcos ay muli nitong binigyang-diin ang mahalagang papel ng mga nasa Barangay sa lipunan.

Isang magandang pagkakataon ayon sa Pangulo para sa mga pinalad na manalo sa katatapos lang na halalan na magserbisyo sa mamamayan.

Gawin sana ang paglilingkod sa bayan ng buong puso at buong katapatan sa lahat ng oras.

Dapat aniyang isakatuparan ang tungkulin ng mga nahalal sa abot ng kanilang makakaya at unahin ang kapakanan ng sambayanan gayung sila ang tunay na dahilan kung bakit naroroon ang pagnanais na maglingkod sa bayan. | ulat ni Alvin Baltazar

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us