Wall of Remembrance sa Tugatog Cemetery sa Malabon, bukas na sa publiko

Facebook
Twitter
LinkedIn

Tuloy-tuloy na ang pagdating ng mga bisita sa Tugatog Cemetery sa Malabon kasunod ng binuksang Wall of Remembrance ng pamahalaang lungsod.

Ayon kay Malabon Mayor Jeannie Sandoval, dito maaaring magunita pa rin ng mga residente ang alaala ng kanilang mga yumao habang nagpapatuloy ang pagsasaayos sa Tugatog Cemetery na 57% pa lang na kumpleto.

Ang Wall of Remembrance ay binubuo ng kabuuang anim na pader na may taas at haba na 8.4 metro. Nakaukit dito ang nasa 5,000 pangalan ng lahat ng mga yumao na inilibing sa sementeryo.

Mayroon ding pwesto kung saan maaaring mag-alay ng bulaklak at magtirik ng kandila ang mga bisita.

Hindi rin mahirap ang paghahanap ng pangalan ng mga yumao dahil nakaayos ito ng alphabetical.

Bago makapasok sa sementeryo, may form lamang na kailangang sagutan ang mga bisita at beberipikahin kung doon nga nakalibing ang hinahanap.

May Information o Help Desk din upang matagunan ang mga katanungan at concern ng mga kaanak ukol sa kalagayan ng kanilang namayapang mahal sa buhay na nakahimlay sa pampublikong sementeryo.

Bantay sarado naman ng mga tauhan ng Malabon LGU ang sementeryo kabilang ang public safety and traffic management. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us