Inambush si Punong Barangay elect Renato Lebuna at asawa nitong si Jona Lebuna sa Barangay Pajo, Lambunao, Iloilo.
Ayon kay Iloilo Police Provincial Office Director PCol. Ronaldo Palomo, hinatid ng mga biktima ang kanilang mga watcher matapos ang canvassing ng boto.
Matapos maihatid, pinagbabaril ang kanilang sasakyan ng isang suspek na positibo nilang nakilala na si Dioscoro Lozada Jr., ang natalong katungali ng biktima.
Ligtas naman sa kapahamakan ang mag-asawang Lebuna dahil hindi sila tinamaan ng bala.
Narecover naman ng kapulisan ang mga basyo ng balang ginamit sa pananambang.
Sa ngayon, patuloy ang hot pursuit operations ng kapulisan para mahuli ang suspek sa pananambang. | ulat ni Paul Tarrosa | RP1 Iloilo