VP Sara Duterte, may hamon sa mga nanalong kandidato sa BSKE

Facebook
Twitter
LinkedIn

Nagpaabot ng pagbati si Vice President at Education Sec. Sara Duterte sa mga kandidatong nanalo sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections kahapon.

Kasunod nito, ipinaalala ni VP Sara sa mga nanalo na hindi sa posisyon nasusukat ang tunay na serbisyo kundi sa bawat puso na may diwa ng bayanihan.

Habang sa mga natalo, sinabi ni VP Sara na huwag mawalan ng pag-asa dahil hindi naman kailangang magkaroon ng posisyon para makapaglingkod sa bayan.

Kasabay nito, nagpasalamat din si VP Sara sa mga guro na gumanap ng kanilang tungkulin sa halalan upang matiyak na tapat, maayos at mapayapa ang halalan

Sinabi rin ng Pangalawang Pangulo sa mga guro na nakaranas ng aksidente dahil sa pagganap sa tungkulin na maaari silang mag-claim ng Personal Accident Insurance sa GSIS. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us