Buong police personnel ng Pasay City Police Substation, pinasisibak sa pwesto ni DILG Sec. Abalos

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inirekomenda ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benhur Abalos Jr. kay PNP Chief General Benjamin Acorda na alisin sa pwesto ang Substation Commander at mga tauhan nito sa Pasay City.

Kasunod nito ang pagkadiskubre ng POGO Hub sa lungsod na may mga ginagawang iligal aktibidad.

Una nang sinalakay ng mga tauhan ng Presidential Anti -Organized Crime Commission at PNP-Special Action Force ang POGO Hub at nadiskubre ang talamak na Sex Trafficking, Crypto Scam at Love Scam.

Nais ni Abalos na sasailalim sa malalimang imbestigasyon ang kaso lalo pa’t nasa 600 ang hinihinalang nabiktima dito.

Hindi naman kasamang pinaaalis ang Chief of Police ng Pasay City pero pinaiimbestigahan na rin ito ng kalihim. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us