Bolinao Pangasinan, handa na sa paglobo ng mga turista ngayong Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inasahan ng Bolinao Tourism Office ang paglobo ng mga turistang dadayo sa Patar Public Beach dahil narin na paparating na #Undas2023 ngayong 01 at 02 Nobyembre 2023.

Upang suriin ang kahandaan ng mga Tourism establishments sa bayan ay nagsagawa ng spot inspection ang Bolinao Tourism Office sa mga resorts, accommodation, at cottages sa kahabaan ng Patar Beach.

Patuloy naman ang pakikipag-ugnayang ginagawa ng Tourism Office sa mga establisiyemento upang maisulong ang responsible tourism at matiyak ang kalinisan sa lugar.

Nagpaalala rin ang tanggapan sa mga turista na sumunod sa mga alituntunin ng bayan upang masigurado ang kanilang kaligtasan.

Matatandaang sumailalim sa Basic Life Support Training ang mga Tourism Frontliners sa bayan upang mapalawig ang kanilang kaalaman sa pagpapanatiling ligtas ang mga turistang bumibisita sa bayan.

Samantala, nananatili ding bukas ang iba pang pasyalan sa bayan tulad ng Bolinao Falls at Enchanted Cave.| ulat ni Ricky Casipit| RP1 Dagupan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us