Ilang mga dumadalaw sa Loyola Memorial Park sa Marikina City, magpapalipas na ng gabi sa sementeryo ngayong bisperas ng Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Mistulang reunion ng mga pamilya ang sitwasyon sa Loyola Memorial Park sa Marikina City ngayong bisperas ng Undas.

Ang ilan kasi sa mga dumadalaw ay dito na magpapalipas ng gabi kaya’t ang iba ay nagtayo na rin ng mga tent.

Simula kasi ngayong araw ay 24 oras na itong bukas.

Batay naman sa datos ng Marikina PNP as of 5PM, umabot sa mahigit 8,000 ang bilang ng mga dumadalaw sa naturang sementeryo.

Patuloy din ng paalala ng Marikina PNP sa mga magtutungo sa Loyola Memorial Park na sumunod sa mga panuntunan ng sementeryo at huwag ng dalhin ang mga ipinagbabawal na bagay gaya mg lighter, matatalim na bagay, mga inuming nakalalasing, at pagdadala ng mga speaker.

Inaasahan naman na mas dadagsa pa ang bilang ng mga dadalaw dito simula mamayang gabi hanggang bukas.| ulat ni Diane Lear

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us