Nagbabala ang Department of Migrant Workers (DMW) sa publiko sa pakikipagtransaksyon sa mga indibidwal na nagpapakilala na kawani ng ahensya upang makapanloko at mag-recruit para sa trabaho abroad.
Ayon sa DMW, peke at hindi empleyado ng ahensya ang mga ito.
Dagdag pa ng DMW na isa itong uri ng scam kaya pinag-iingat ang publiko na maging alerto at huwag magpaloko.
Humingi rin ng tulong ang ahensya sa publiko na ipagbigay alam o i-report sa kanila ang mga ganitong uri ng scam sa pamamagitan ng email or kaya ay mag-message sa social media account ng DMW.| ulat ni Diane Lear