Tiniyak ng Philippine Red Cross (PRC) na nakahanda itong tumulong sa oras ng emergency sa mga magtutungo sa sementeryo ngayong Undas.
Kaugnay nito ay nagpaalala ang PRC sa publiko na mag-ingat at sundin ang ilang mahahalagang tips.
Ayon kay PRC chairman Richard Gordon, dapat maging handa sa mga hindi inaasahan sitwasyon at alamim ang emergency exit sa lugar.
Maging maingat din sa pagtitirik ng kandila sa mga puntod para makaiwas sa sunog.
Tiyakin din na nasa maayos na kondisyon ang sasakyan na gagamitin at sumunod sa batas trapiko.
Nagpaalala rin ang PRC na sumunod pa rin sa safety measure gaya ng pagsusuot ng facemask, social distancing, at paghuhugas ng kamay dahil umiiral pa rin ang pandemya.
Binigyan diin ng PRC na ang kaligtasan ng bawat isa at responsibilidad ng lahat.| ulat ni Diane Lear