Umaasa ang ilang nagtitinda ng bulaklak na nakapwesto sa harap ng Holy Cross Cemetery na hindi na maging maulan ang panahon ngayong All Souls’ Day.
Sa kwento ni Ate Baet ng Neda’s Flower Shop, nakaapekto kase sa kanilang bentahan ang naging ulan kahapon.
Aniya, ang ilang bumibisita sa sementeryo, hindi na dumadaan pa sa bilihan ng bulaklak dahil naha-hassle sa ulan.
Ngayong All Souls’ Day, posibleng marami pa rin naman aniyang bumisita hanggang sa November 3.
Wala namang pagbabago sa presyo ng panindang bulaklak sa Holy Cross Cemetery na ang pinaka-mura ay nasa ₱150 habang ang pinaka-mahal na flower arrangement ay nagkakahalaga ng ₱1,700.
Nananatili namang mapayapa ang sitwasyon sa loob ng sementeryo na patuloy ang dating ng mga bisita.
Sa tala ng QCPD, nasa higit 1,000 ang crowd estimate sa sementeryo as of 8am.
Umabot naman sa higit 80,000 ang naitalang bumisita kahapon sa sementeryo kasama ang mga nagpalipas ng gabi.
Abala na rin ngayong umaga ang mga street sweepers na naghahakot ng mga naiwang kalat at basura. | ulat ni Merry Ann Bastasa