Inflation rate ng Oktubre, inaasahang bababa —BSP

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inaasahang bababa ang inflation ng Oktubre hanggang sa 5.1% dahil sa pagbaba ng presyo ng bigas, karne at gulay at ng presyo ng produktong petrolyo.

Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, ang inflation forecast ay mula 5.1 hanggang 5.9 %, mas mababa sa 6.1% noong buwan ng Setyembre.

Samantala, dahil sa mataas na presyo ng kuryente, LPG, prutas at isda kasabay ng umento sa pamasahe sa jeep kaya may pagtaas ng presyo sa buwan ng Oktubre.

Inaasahan naman ilalabas ng Philippine Statistics Authority ang datos ng October inflation sa Martes, November 7.

Maaalalang itinaas ng BSP noong nakaraang linggo ang overnight borrowing rate ng 25 basis-points sa 6.5% sa isang off-cycle na hakbang upang pigilan ang inflation.

Ayon kay BSP Governor Eli Remolona na hindi niya inaasahan na makakamit pa sa ngayon ang target na 2% hanggang 4% at hindi inaalis ang posibilidad na muling pagtaas ng interest rate ng isa pang 25 basis-points kung kinakailangan. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us