Umakat na sa 47 ang validated Election-Related Incidents (ERI) sa nakakalipas na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE).
Sa datos as of 12 am ngayong araw na inilabas ni PNP Public Information Office Chief Police Col. Jean Fajardo, pinakamaraming ERI ang naitala sa Bangsamoro Autonomous Region na nasa 16; kasunod ang Region 10 na may 13, 4 sa Cordillera, 3 sa Regions 1 at 8, tig-dalawang kaso sa Regions 5 at 7 at tig-isang kaso sa NCR, Region 4A at 9.
Sa mga insidenteng naitala, pinakamarami ang shooting incident na nasa 19; 7 ang kaso ng physical injury; 4 na mauling incident; 3 kidnapping; tig 2 kaso ng light threats, fire incidents, at harassment; at tig-isang kaso ng grave threats, armed confrontation, robbery with intimidation and violation of domicile, indiscriminate firing at armed encounter.
Samantala, 114 naman ang suspected ERI na sumasailalim pa sa validation, at 103 sa mga iniulat na insidente ang non-ERI o walang kaugnayan sa eleksyon. | ulat ni Leo Sarne