Pinuri ni House Majority Leader Manuel Jose Dalipe ang mataas na rating ni House Speaker Martin Romualdez.
Aniya, patunay ito ng kanyang epektibong pamumuno sa Kamara de Representantes.
Sinabi ni Dalipe, na naging totoo na ang Kamara ay “House of the People” sa ilalim ng pamumuno ni Speaker Romualdez dahil nakasentro sa publiko at mahihirap ang mga ginagawa nito.
Dagdag pa nito, na ang “first-in- last-out” brand ng pamumuno ni Speaker Romualdez ay nagsilbing inspirasyon sa mga miyembro ng Kamara at Secretariat, upang magsumikap sa pagtatrabaho.
Samantala, binati din ni dating Pangulo at ngayon ay House Deputy Speaker at Pampanga Rep. Gloria Macapagal Arroyo ang House Speaker sa mataas na trust rating na nakuha nito sa survey ng OCTA Research.
Ang pagbati ay idinaan ni Arroyo sa isang press statement na ipinadala sa mga mamamahayag.
Nakakuha si Speaker Romualdez ng 60 porsiyentong trust rating, at 61 porsiyentong satisfaction rating sa survey ng OCTA Research, na isinagawa mula Setyembre 30 hanggang Oktobre 4. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes