Mga biyaherong lumuwas sa probinsya, nagbabalikan na sa Maynila

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ramdam na sa terminal ng Victory Liner at Superlines ang pagdagsa ng mga biyaherong pauwi na ng Maynila matapos magbakasyon sa probinsya.

Ayon sa mga nagbabantay na security personnel, nagsimula pa kagabi ang buhos ng mga pasaherong pabalik na ng Maynila.

Kapansin-pansin na kada 30 minuto ay may dumadating na bus sa Cubao terminal.

Inaasahang magtatagal pa ito hanggang Lunes ng madaling araw lalo’t may ilang susulitin pa hanggang weekend ang bakasyon.

May ilan naman na gaya ni Ate Gina, galing Baguio ang hindi na nagtagal sa bakasyon dahil may pasok pa ngayong araw.

Dahil naman sa dagsa ng mga nagbabalikang biyahero, punuan na naman ang mga taxi, at TNVS sa likod ng terminal.

Hindi naman sila pinapayagang tumambay at agad ring pinaaalis ng mga security personnel para hindi magbigat ang trapiko sa lugar. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us