Mga bumibisita sa Bagbag Public Cemetery, kakaunti na lang

Facebook
Twitter
LinkedIn

Balik normal na ang sitwasyon dito sa loob ng Bagbag Public Cemetery sa Novaliches, Quezon City.

Ngayong umaga, paisa-isa na lang ang nagtutungo sa sementeryo.

Katunayan, as of 8am, nasa 102 pa lang ang naitatalang bumisita dito sa Bagbag Public Cemetery na malayo sa 1,846 na naitalang nagtungo rito sa kaparehong oras kahapon.

Ang ilang bumisita ngayon gaya ni Mang Jimboy, sinabing ngayon lang nakatyempo ng bisita dahil may trabaho nitong mga nakalipas na araw.

Si Tatay Samuel naman, kakauwi lang din daw ng probinsya kaya ngayon lang din nakadalaw.

Noong November 2, umabot sa kabuuang 31,637 ang bumisita dito sa Bagbag Public Cemetery.

Sa ngayon, pinapayagan na rin ang pagpapalibing at maging ang pagpasok ng mga sasakyan at motor sa loob ng sementeryo.

May ilan ding mga nakapwesto pang mga tiangge sa may bungad ng sementeryo. | ulat ni Merry Ann Bastasa

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us