Mahigit 84,000, dumalaw sa Libingan ng mga Bayani nitong Undas

Facebook
Twitter
LinkedIn

84,300 mga kamag-anak at mahal sa buhay ng mga yumaong bayani ang bumisita sa Libingan ng mga Bayani nitong Undas.

May kabuuang 53,548 dating Pangulo, pambansang bayani, patriots, national artists at scientists ang nakahimlay sa Libingan ng mga Bayani.

Ayon kay Armed Forces of the Philippines Public Affairs Office Chief (AFP-PAO) Col. Xerxes Trinidad, ang malaking bilang ng mga nagbigay-pugay sa mga bayani ng bansa ay testamento ng diwa ng pagka-makabayan at pagpapasalamat sa mga nagsilbi sa bansa ng walang pag-iimbot.

Pinapahalagahan aniya ng AFP ang pagpreserba ng alala ng mga nag-alay ng kanilang buhay para sa ikabubuti ng bansa.

Tiniyak ni Trinidad ang commitment ng AFP na itaguyod ang demokrasya, soberanya at kalayaan ng bansa na ipinaglaban ng mga bayani ng bansa. | ulat ni Leo Sarne

📷: Pvt Angelica Rose M Valderrama (Inf)

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us