Pagpapalakas ng balikatan ng Japanese at Philippine Coast Guard, isa sa mga tututukan sa pagbisita ni Japanese PM Kishida sa Pilipinas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Bibisita rin si Japanese Prime Minister Fumio Kishida sa headquarters ng Philippine Coast Guard (PCG) sa Maynila, sa dalawang araw na opisyal na pagbisita nito sa Pilipinas.

Sa Bagong Pilipinas Ngayon, sinabi ni PCG Rear Admiral Armand Balilo na bibigyan ng arrival honors ng PCG ang Japanese Prime Minister, bukas (November 4).

Bibigyan rin aniya ito ng tour sa isa sa mga barko ng PCG na ginawa sa Japan.

“Isa talagang payak na pagbisita lang, pagdaan dito sa headquarters ng Philippine Coast Guard. Alam ninyo po naman, ang bansang Japan ay isang kaalyadong bansa na matagal na nating katulong sa mga developments ng Philippine Coast Guard; iyong mga barko natin ay galing sa Japan at ang mga radar system natin at involved din sila sa human resource development ng Philippine Coast Guard.” —Balilo.

Magkakaroon rin ng pulong sa pagitan nina PCG Commandant Admiral Ronnie Gavan at Japanese Coast Guard Commandant Admiral Shohei Ishi, inaasahang matatalakay ang isyu sa West Philippine Sea (WPS), capability development at balikatan pa ng Coast Guard ng Pilipinas at Japan, maging ang mga pagsasanay na sponsored ng Japan, para sa mga tauhan ng PCG.

“Well, basically, mag-uusap iyong dalawang komandante ng mga coast guard doon sa regional situation ng bansa at saka ng bansang Hapon. At maaari pong mapag-usapan ang West Philippine Sea, hindi ko lang po alam kung ano pa ang detalye dito. At, of course, pag-uusapan din iyong capability development at saka iyong partnership between two coast guard agencies at maging po iyong people-to-people exchange o iyong mga training na ginagawa at ini-sponsor-an ng Japan Coast Guard para po sa mga tauhan ng Philippine Coast Guard.” —Balilo.

Ngayong araw (November 3), magkakaroon ng bilateral meeting si PM Kishida kasama si Pangulong Marcos, at haharap rin sa Kongreso bukas (November 4). | ulat ni Racquel Bayan

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us