Ikalawang person of interest sa pagkawala ng beauty queen na si Ms. Camilon, sinampahan na ng kaso

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sinampahan na ng kasong carnapping at estafa ang ikalawang person of interest sa pagkawala ng beauty queen at guro na si Ms. Catherine Camilon.

Ayon sa pabatid ng PNP-Highway Patrol Group Region 4a, peke ang ginamit na pangalan at address sa deed of sale ng may-ari ng sasakyan na ginamit ni Ms Camilon bago ito nawala noong Oct 12.

Isa sa tinitingnan ng PNP-HPG ay ang posibilidad na pagmamay-ari ng carnapping group ang sasakyang ginamit nito.

Samantala, patuloy ang imbestigasyon ng Police Regional Office-Calabarzon sa isang police major na unang person of interest sa pagkawala ni Ms Catherine.

Ayon sa pulisya, hanggang ngayon ay ayaw pang magbigay ng kahit na anong impormasyon ng pulis kung nasaan si Ms. Camilon at kung buhay pa ito. | ulat ni Mae Formaran | RP1 Lucena

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us