Paglikas ng unang batch na mga Pinoy sa Gaza, sisimulan na bukas

Facebook
Twitter
LinkedIn

Uumpisahan na bukas ang paglikas sa mga Overseas Filipino Workers sa Gaza.

Ayon kay DFA Undersecretary Eduardo De Vega, gagawin nang dalawang batch ang paglilikas sa mga OFW sa Gaza patawid sa border ng Egypt.

May 20 Pinoy ang unang batch na ililikas habang 23 naman ang ikalawang batch.

Sinabi pa ni Usec. De Vega, aabot sa 134 ang mga Pilipino ang nananatili sa Gaza ngunit 43 lamang dito ang nagpahayag ng kahandaang lumikas.

Ilan umano sa OFWs ay piniling manatili sa Gaza dahil ayaw iwan ang kanilang mga asawang Palestino.

Sa ngayon ay wala pang impormasyon ang DFA kung kailan makakauwi sa bansa ang mga ililikas na mga OFWs sa Gaza na pansamantala munang manantili sa Egypt. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us