Mga pagbabago sa DA sa pagdating ng bagong Kalihim, asahan raw ayon kay Asec. De Mesa

Facebook
Twitter
LinkedIn

Asahan na ang ilang pagbabago sa Department of Agriculture (DA) sa pag-upo ng bagong kalihim na si Francisco Tiu Laurel Jr.

Ito ang sinabi ni DA Assistant Secretary Arnel de Mesa at naniniwala siyang malaki ang maitutulong ng bagong kalihim sa pamamahala sa buong kagawaran.

Hindi na bago sa sektor ng agrikultura si Secretary Laurel na expertised rin sa fishery sector.

Sinabi ni Asec. De Mesa na tututukan din ng kalihim ang mga pangunahing isyu tulad ng suplay ng bigas,

lalo pa’t katatapos lamang magpataw ng price ceiling ukol dito.

Sa ngayon, magiging matatag ang suplay ng bigas hanggang katapusan ng Disyembre at sa pagpasok ng taon.

Mas tataas ngayon ang produksyon ng bigas dahil walang nararansang bagyo o anumang sakuna.

Asahan aniya ang 20 million metric tons ng palay harvest ngayong taon na mataas kumpara sa 19.7 million metric tons noong nakaraang taon. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us