Naitransmit na ng Kamara sa Senado House Bill 8980 o panukalang 2024 national budget.
Sa special session ng Kamara ngayong Sabado, inanunsyo ni House Majority Leader Mannix Dalipe na ang 5.768 trillion budget bill ay naipadala na sa mataas na kapulungan.
September 27 nang aprubahan ng Kamara ang 2024 GAB.
Nitong Oktubre naman nang matapos ng binuong small commitee ang individual amendments para dito kung saan kabilang ang realignment ng confidential funds ng civilian agencies patungo sa mga ahensya na nakatutok sa intelligence at security lalo na sa West Philippine Sea. | ulat ni Kathleen Jean Forbes