Kinumpirma na ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pagdating sa bansa sa Lunes, Nobyembre 6 ng 50 OFWs Repatriates mula sa Israel.
Ito ang inanunsyo ni DFA Undersecretary Eduardo De Vega sa Saturday News Forum sa Quezon City.
Aniya, ang unang batch ng 23 OFWs ay darating sa bansa sa Lunes, sunod ang 27 sa araw ng Martes.
Umaasa si De Vega na magtuloy-tuloy na ang pagpapauwi sa iba pang OFWs na naipit sa gulo sa pagitan ng Israel at Hamas sa Gitnang Silangan.
Sa kasalukuyan ay may kabuuang 123 Pinoy mula sa Israel ang nakauwi na.
Sinabi rin kanina ni De Vega, bukas na rin sisimulan ang paglikas sa unang batch ng 20 OFWs sa Gaza patawid ng boarder ng Egypt at isusunod agad kinabukasan ang pangalawang batch na abot sa 23 OFWs.| ulat ni Rey Ferrer