Muling binigyang diin ni House Appropriations Committee Chair Elizaldy Co ang kahalagahan ng 2024 General Appropriations Bill.
Aniya ang P5.768-trillion 2024 national budget ay binuo upang tugunan ang pangangailangan ng mga Pilipino.
Katunayan, sa naturang halaga, P2.183 trillion ang inilaan para sa social services na siyang pinakamalaki sa kasaysayan
“This only means that the government is investing in its greatest asset — its people — as it aims to lay a stronger foundation for sustainable growth and inclusive development.” saad ni Co.
“The 2024 budget mirrors the aspirations of President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.’s administration, particularly focusing on the realization of the three legacy projects pivotal to the nation’s progress: Legacy Specialty Hospitals, Legacy Housing for the Poor, and Legacy on Food Self-sufficiency.” dagdag ng mambabatas.
Tinukoy din nito ang nasa P194.5 billion na realigned funds para sa security sector at proteksyon mula sa hamong pang ekonomiya dala ng global inflation.
Siniguro din ng Ako Bicol party-list solon na ang budget na kanilang isinumite sa Senado ay walang pork barrel, transparent at corruption-free.
Nasa kamay na aniya ngayon ng Senado na busisiin at isulong ang budget bill na sumasalamin sa hangarin ng gobyerno para sa isang masaganang bansa. | ulat ni Kathleen Jean Forbes