BFAR 4A, nagturn-over ng livelihood packages para sa mga mangingisda sa Sta. Cruz, Laguna

Facebook
Twitter
LinkedIn

Umaabot sa P23M na bigas at coconut facilities ang ipinagkaloob sa mga Lagunenses sa dalawang araw na “Bagong Pilipinas Serbisyo Fair” Laguna leg sa Sta. Cruz, Laguna.

Sa pamagitan ng BPSF, patuloy na ipinagkakaloob ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang kanyang hangaring bigyan ng suporta ang mga magsasaka ng bansa.

Ayon sa Department of Agriculture-PhilMech, nakatanggap ang mga kwalipikadong farmers’ cooperatives and associations (FCA) sa pamamagitan ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) Mechanization Program.

Limang benepisyaryo ang nakatanggap ng four-wheel drive tractors na nagkakahalaga ng P11.5 million.

Samantala, pinagkalooban din ng Philippine Coconut Authority Lawaguin Multi-Purpose Cooperative ng Coconut Sugar Processing System na nagkakahalaga ng P11.5 million, sa ilalim ng Coconut Farmers and Industry Development Plan (CFIDP) – Shared Processing Facility.

Si Special Assistant to the President, Antonio Lagdameo, Jr. ang kinatawan ng Pangulo sa naturang pagtitipon kasama sina Laguna Governor, Hon. Ramil Hernandez; 2nd District Representative of Laguna, Ruth Mariano-Hernandez; PHilMech’s Director IV, Dr. Dionisio G. Alvindia, and PCA-IV Regional Manager, Bibiano Concibido, Jr. | ulat ni Melany Valdoz-Reyes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us