Radio broadcaster, binaril habang naka live-broadcast kaninang umaga

Facebook
Twitter
LinkedIn

Binaril at napatay ng hindi pa kilalang salarin ang isang radio broadcaster habang nagpro-programa kaninang umaga sa loob ng kanyang isatasyon sa Misamis Occidental.

Sa ulat ng Calamba, Misamis Occidental Municipal Police Station na nakarating sa camp Crame, kinilala ang biktima na si Juan Jumalon o mas kilala sa pangalang DJ Johnny Walker, 57-anyos, residente ng P-2, Brgy. Don Bernarfo A. Neri sa naturang bayan.

Base sa ulat, nagpro-programa kaninang alas-5:00 ng umaga ang biktima sa radio booth sa loob ng kanyang bahay, nang pumasok ang isang suspek na nagpakilalang mananawagan lang, at biglang binaril ang biktima sa bibig, na tumagos sa batok.

Agad na isinugod sa Calamba District Hospital ang biktima ngunit ideneklara itong dead-on-arrival.

Kaugnay nito, agad na nagkasa ng hot pursuit operation ang Calamba Municipal Police Station at naka-alerto na rin ang lahat ng mga checkpoints para sa agarang pagdakip ng suspek na tumakas pagkatapos ng insidente.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon para alamin kung ano ang posibleng motibo sa krimen. | ulat ni Leo Sarne

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us