Suspended LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III, ibinalik na sa pwesto -DOTR

Facebook
Twitter
LinkedIn

Simula bukas, Nobyembre 6, balik na sa kanyang panunungkulan si suspended LTFRB Chairman Teofilo Guadiz III.

Ito ang kinumpirma ni Department of Transportation Secretary Jaime Bautista.

Ayon kay Secretary Bautista, ang desisyong ito ay batay sa kautusan ng Office of the President matapos bawiin ang 90-days suspension ni Guadiz.

Kasunod ito ng recantation ni Jeffrey Tumbado, ang dating Executive Assistant ni Guadiz na nagsiwalat ng umano’y katiwalian at korapsyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB).

Ang pagbalik sa puwesto ni Guadiz ay epektibo simula bukas batay sa Special Order na inisyu ni Secretary Bautista. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us