Honor graduates mula sa open distance learning, maaari nang maka-avail ng eligibility – CSC

Facebook
Twitter
LinkedIn

Maaari nang magsumite ng application para sa Civil Service Eligibility (CSC) ang mga indibidwal na nakakuha ng Latin honors sa pamamamgitan ng distance learning programs.

Ayon kay CSC Chairperson Karlo Nograles, ito ay kung nais nilang ituloy ang kanilang career sa public sector.

Una nang naglabas ang Civil Service Commission ng CSC Resolution No. 2300615 noong Hulyo 28, 2023 na nagpalawak sa saklaw para sa Honor Graduate Eligibility (HGE).

Bilang resulta, magiging available na ang honor graduate eligibility sa bachelor’s degree graduates na nakakuha ng pagkilala bilang summa cum laude, magna cum laude, or cum laude mula sa ODL programs sa mga kolehiyo at unibersidad na kinikilala ng Commission on Higher Education (CHED).| ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us