Mas mahabang phase out period para sa lehitimong POGO operators, iginiit ni Sen. Angara

Facebook
Twitter
LinkedIn

Naniniwala si Senate Committee on Finance Chairpersin Sonny Angara na hindi sapat ang tatlong buwan para mapatigil na ang operasyon ng mga Philippine Offshore Gaming Operator (POGO) sa Pilipinas, lalo na aniya para sa mga malaki na ang puhunan dito.

Iginiit ng senador, na nirerespeto niya ang naging findings ng Senate Committee on Ways and Means ni Senador Sherwin Gatchalian tungkol sa economic cost ng POGO para sa bansa, at kinilala niya rin ang mga ebidensiyang nagpapakitang may negatibo itong epekto lalo sa peace and order situation ng Pilipinas.

Gayunpaman, ayon kay Angara, kailangan at mas resonable ang pagbibigay ng mas mahabang panahon para mapaalis ang mga POGO lalo na at ang pamahalaan rin naman ang nag-imbita na mamuhunan.

Dapat aniyang magkaroon ng mas mahabang phase out period para sa mga lehitimong POGO operator, na nagbabayad ng buwis at employee benefits, at naglagak na ng malaking puhunan. | ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us