Mga nasunugan sa Parañaque City binigyan ng construction materials ng LGU

Facebook
Twitter
LinkedIn

Namahagi ng tulong ang lokal na pamahalaan ng Parañaque City sa mga naapektuhan ng malaking sunog sa lungsod.

Personal na nagtungo si Mayor Eric Olivarez sa Brgy. Sto Niño upang bigyan ng construction materials ang mga apektadong residente.

Ipinamahagi ng alkalde katuwang ng general services office ng lungsod ang mga yero, plywood at kahoy na magagamit pampatayo ng panibagong matitirhan ng mga residente.

Nauna nang ipinamahagi noong nakaraang linggo ng LGU ang mga pagkain, hygiene kits at tulong pinansiyal para sa 81 pamilya na naapektuhan ng sakuna.

Paalala naman ng alkalde na maging alerto at maingat lalo na ngayong pumasok na ang tag-init. | ulat ni Janze Macahilas

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us