Kamandag Exercise ng Philippine at US Marine Corps, aarangkada sa Huwebes

Facebook
Twitter
LinkedIn

Sisimulan na ngayong Huwebes, November 9 ang ikapitong pagdaraos ng Kamandag Joint Exercise ng US Marine Corps na tatagal hanggang November 20.

Ang Kamandag ay taunang pagsasanay ng dalawang pwersa na hango sa katagang Tagalog na “Kaagapay ng mga Mandirigma ng Dagat.”

Ito ay naglalayong mapahusay ang multinational military readiness, interoperability, partnership, at mutual capabilities ng mga kalahok.

Ayon kay Kamandag Philippine Exercise Director Brigadier General Jimmy Larida, 1,732 tropa ng Pilipinas at 902 Amerikanong sundalo ang kalahok sa Ehersisyo.

Sa pagkakataong ito, kasama din sa pagsasanay ang 57 tropa ng Republic of Korea Marine Corps (ROKMC), 50 tauhan ng Japan Ground Self Defense Force (JGSDF), at walong observer ng United Kingdom.  | ulat ni Leo Sarne

📸: WESCOM

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us