Panukalang 2024 National Budget, naipresenta na sa plenaryo ng Senado

Facebook
Twitter
LinkedIn

Prinesenta na ni Senate Committee on Finance chairman Senador Sonny Angara sa plenaryo ng Senado ang panukalang P5.768 trillion na panukalang pambansang pondo para sa susunod na taon.

Ayon kay Angara, ang halagang ito ay katumbas ng 20 percent ng kabuuang ekonomiya o gross domestic product (GDP) ng ating bansa.

Mas malaki rin ito ng halos sampung prosyento (9.5%) kumpara sa 2023 National Budget.

Sa kabuuang halaga ng panukalang 2024 National Budget, P4.02 trillion ang programmed funds, P281.9 billion ang unprogrammed habang nasa P1.748 trillion ang automatic appropriations.

Tiniyak ni Angara na mabibigyan ng sapat na pondo ang mga flagship program ng gobyerno kabilang na ang Pantawid Pamilyang Pilipino program (4Ps); ang Build Better More program; pagpapatupad ng Universal Access to Quality Tertiary Education act; at ang Tulong Trabaho act.

Dinagdag rin ng senador na nakapaloob rin dito ang mga hakbang na nais tahakin ng pamahalaan para maisakatuparan ang Medium-Term Fiscal Work (MTFF) at ang 2022–2028 Philippine Development Plan (PDP).

Sinabi rin ni Angara na naka-focus rin ang 2024 budget sa pagpapahusay ng kakayahan ng Pilipinas na tiyakin ang ating national security, panatilihin ang ating territorial integrity at panindigan ang ating soberanya.| ulat ni Nimfa Asuncion

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us