RDO#67 Legazpi City, top one collection performer sa buong Bicol

Facebook
Twitter
LinkedIn

Ayon kay Revenue District Officer Simplicio V. Cabantac Jr.  nakuha ng Revenue District Office #67 sa lungsod ng Legazpi, ang pagiging Top One Collection Performer sa Buwan ng September 2023, kumpara sa ibang revenue district offices sa rehiyon, gaya ng Talisay Camarines Norte, Naga, Iriga, pawang sa Camarines Sur, Sorsogon, Masbate, at Virac, Catanduanes.

Lahad ng opisyal, over goal ang tanggapan ng 36.72% o P157,151,141.47, ang assigned goal ay P428,019,000.00, at ang actual collection ay P588,170,141.47.

Mula ito sa ibat ibang uri ng taxes na kinokolekta ng kanilang tanggapan sa loob ng 15 na bayan at 3 lungsod sa Albay, gayundin sa regional offices.

Nanawagan si Cabantac sa mga tax payers na magbayad bawat buwan ng on time sa kanilang tax obligations upang maiwasan ang kaukulang multa, at magkaroon ng open cases.  Diin pa niyang, kailangan ito ng ating pamahalaan, upang tustusan ang mga program at proyekto nito.  | ulat ni Nancy Mediavillo | RP1 Albay

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us