Nag-abiso ang Social Security System (SSS) na hindi muna magiging accessible ang My.SSS Employer portal nito na ngayon ay isinasailalim sa system enhancements.
Ayon sa SSS, maglalagay na kasi ito ng email OTP (One Time Pin) functionality sa naturang online portal upang masigurong mas magiging ligtas ang transaksyon dito.
Kasunod nito, humingi naman ito ng paumanhin at pang-unawa sa publiko lalo sa mga employer na posibleng maapektuhan ng isinasagawang system enhancement.
Una na ring nilinaw ng SSS na na-hack ang kanilang system. | ulat ni Merry Ann Bastasa