Relasyon ng Pilipinas at France, nananatiling matibay

Facebook
Twitter
LinkedIn

Muling inihayag ng bansang France ang kahandaan nitong suportahan ang Pilipinas sa iba’t ibang sektor kasama na ang posisyon sa West Philippine Sea.

Kasunod ito ng Courtesy Call ni French Ambassador to the Philippines Marie Fontanel, kay Speaker Martin Romualdez.

Bilang pagkilala sa malalim na bilateral relations ng dalawang bansa, inihayag ni Romualdez ang pagnanais ng Pilipinas na pagtibayin ang kolaborasyon ng dalawang bansa sa iba’t ibang aspeto.

Katunayan, nais aniya nilang aralin ang proseso ng French parliament.

Sa panig naman ni Amb. Fontanel, sinabi nito na nakahandang sumuporta ang France para maging self-reliant ang Pilipinas sa agrikultura, enerhiya, defense and security, pati na sa proteksyon ng ating biodiversity at pagtugon sa climate change.

Suportado rin aniya ng France ang Pilipinas sa posisyon nito sa West Philippine Sea at kaisa sa panawagan na igalang ang United Nations Convention on the Law of the Sea at iba pang international laws. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us