Ipinatutupad ngayon ng Department of Agrarian Reform (DAR) sa Kalinga ang ConRAD on wheels sa layuning ganap na maipatupad ang republic act 11953 o mas kilala bilang new agrarian emancipation act o NAEA.
Bumuo ngayon ng ConRAD Teams ang DAR Kalinga at ang mga ito ay kumikilos na ngayon sa mga barangay sa lalawigan upang mailapit sa agrarian reform beneficiaries o ARBs ang naturang programa ng pamahalaan.
Abot naman sa 984 na ARBs ang nasa inisyal na talaan ng DAR Kalinga na makikinabang sa sa debt condonation ng kanilang mga lupaing sakop ng Comprehensive Agrarian Reform Program o CARP salig sa New Agrarian Emancipation Act.
Layon nitong mapalaya ang ARBs sa bondage of the soil dala ng mga naipong bayarin sa kanilang mga CLOA o certificate of land ownership awards.
Sa ngayon, tuloy ang pagbisita ng DAR Kalinga sa ARBs sa pamamagitan ng ConRAD on Wheels at as of press time, abot na sa mahigit dalawang daan ang dumaan sa masinsinang validation. | ulat ni Estrella Loque | RP1 Tabuk