Inaasahang aabot sa 5,000 mga mahihirap na residente ng Navotas ang makikinabang sa tuloy-tuloy na pag-arangkada ng Malaya Rice Project.
Ito ay programang pinagsamang rice at cash assistance na inisyatibo ni House Speaker Ferdinand Martin Romualdez katuwang ang Department of Social Welfare and Development (DSWD).
Sa pilot implementation ng programa noong November 5, nasa 2,500 Navoteño senior citizens, persons with disabilities (PWDs), solo parents, at pamilya ng mag-aaral sa mga Child Development Centers at Kindergarten on Wheels ang paunang nabigyan ng 25 kilos na bigas at tig-₱1,050 cash assistance.
Ayon kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, malaki ang maitutulong ng ayudang ito para sa mga pamilya sa Navotas na lubos na nangangailangan.
Kasunod nito, kinumpirma ng alkalde na muling magkakaroon ng isang payout sa lungsod sa darating na Biyernes, November 10 para sa karagdagan pang 2,500 na benepisyaryo. | ulat ni Merry Ann Bastasa