Samu’t saring agri products na walang kaukulang dokumento, hinarang ng Bureau of Plant Industry sa NAIA

Facebook
Twitter
LinkedIn

Hinarang ng mga tauhan ng Bureau of Plant Industry ang samu’t saring produktong agrikultural buhat sa 6 na pasahero na sakay ng magkakahiwalay na flight at dumating sa Ninoy Aquino International Airport o NAIA.

Ito’y ayon sa BPI ay matapos na mabigo ang mga naturang pasahero na magpakita ng kaukulang dokumento para maipasok ito sa Pilipinas.

Kabilang sa mga produktong nasabat ay mansanas, mais, repolyo, beans, talong, sibuyas at sili na bitbit ng mga pasaherong mula sa Xiamen, China.

Nakumpiska rin ang mga prutas na dala ng iba pang mga pasahero gaya ng orange, peras, suha, kamote, dragon fruit, ubas at peaches

Kumpiskado din ang persimmon mula Narita sa Japan gayundin ang peas mula Hong Kong at mahigit 11 kilo ng atis mula sa Taiwan. | ulat ni Jaymark Dagala

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us