Nakiisa si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa 10th Yolanda Commemoration Anniversary na ginawa sa Tacloban City, Leyte.
Sinimulan ang komemorasyon sa pamamagitan ng isang misa na dinaluhan ng ilang local at national government officials gayundin ng ilang dayuhang delegado kabilang na sina Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xillian.
Sa naging mensahe naman ng Pangulo ay inalala nito ang buhos ng tulong mula sa iba’t ibang mga bansa, mula sa local at international NGOs pati na sa pribadong sektor sa gitna ng pagkakalugmok ng Tacloban at iba pang mga lugar sa Leyte na pinadapa ni Yolanda.
Binigyang diin ng Pangulo na tatanawing utang na loob ang nabanggit na pag-alalay sa mga sinalanta ng Yolanda na kailanman ay hindi bumitiw hangga’t hindi nakakabangon at nakakarekober ang mga nabiktima ng super typhoon. | ulat ni Alvin Baltazar