Nagkasa ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) ng isang cyber security workshop sa Davao Region na tumutok sa mga hakbang upang mapigilan ang mga posibleng cyber attacks.
Isinagawa ang naturang workshop noong Oct. 29 na kolaborasyon ng Office of the Chief Information Officer (OCIO) at Information and Communications Technology Management Service (ICTMS) ng DSWD.
Layon nitong paigtingin ang mga hakbang ng ahensya para maprotektahan ang mga hawak nitong sensitibong impormasyon at mga datos.
Sa tulong din nito, nais makatiyak ng DSWD na walang magiging aberya sa paghahatid nito ng social protection services sa mga nangangailangan.
“Investing in technologies is just one piece of the puzzle. Equipping our ICT personnel with the right knowledge to maximize these tools is equally crucial. This workshop brings us one step closer to achieving that synergy,” ICTMS Director Christian Joseph Regunay.
Una nang ipinunto ni DSWD Sec, Gatchalian na kasama sa prayoridad ng ahensya ang matiyak na ligtas at hindi malalagay sa alanganin ang mga datos at digital infrastructure ng ahensya. | ulat ni Merry Ann Bastasa