Presyo ng pagkain, asahang babagal ang pagtaas dahil sa mga interbensyon ng Pangulo sa sektor ng agrikultura

Facebook
Twitter
LinkedIn

Positibo ang Philippine Statistics Authority na babagal ang pagtaas ng presyo ng pagkain matapos ang sunod-sunod na direktiba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na protektahan ang mga konsyumer at magsasaka.

Ayon sa Philippine Statistics Authority, bumagal ang inflation rate ng bansa mula 6.1% noong Setyembre, ngayong Oktubre ay 4.9% na lamang.

Malaking bahagi rito ang pagbagal ng inflation sa presyo ng pagkain mula 9.7% noong Setyembre na 7% na lang ngayong Oktubre.

Matatandaan na iba’t ibang inisyatiba at direktiba ang ibinaba ni Pangulong Marcos Jr. ukol sa produksyon, gastusin at transportasyon sa sektor ng agrikultura.

Sa kautusan ng Pangulo, libreng seedlings, fertilizer, financial assistance at technical support ang ibinahagi ng Department of Agriculture sa mga magsasaka para lalong mapalakas ang lokal na produksyon.

Ipinatigil din ni Pangulong Marcos Jr. ang paniningil sa pass-through fees na umaabot nang halos P2,000 piso para lang maibaba ng mga truck ang mga gulay, bigas at karne sa merkado.

Sa tulong ng kampanyang Bagong Pilipinas, maraming Kadiwa store din ang inilagak sa mga komunidad kung saan direktang farm-to-market ang mga agricultural products kaya’t naibebenta ito nang mura.

Itinaas din ni Pangulong Marcos Jr. ang farmgate price ng palay sa mga Pilipinong magsasaka. | ulat ni Rey Ferrer

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us