Selebrasyon ng katatagan, pagkakaisa at pag-asa, bahagi ng paggunita sa ika-10 taong anibersaryo ng pagtama ng bagyong Yolanda

Facebook
Twitter
LinkedIn

Kaisa si House Speaker Martin Romualdez sa paggunita sa ika-10 taon ng pagtama ng bagyong Yolanda sa Tacloban.

Ayon sa Leyte 1st District Representative, habambuhay nang nakaukit sa ala-ala ng bawat taga-Tacloban at bawat Pilipino ang pinsalang dala ng pinakamalakas na bagyong tumama sa Pilipinas.

Ngunit kasabay nito ay ang selebrasyon aniya ng katatagan, pagkakaisa at pag-asa na siyang naging sandigan nila para makabangon muli.

“A decade has passed, but the memories of that fateful day remain etched in our hearts and minds. .. As we commemorate this day, let us also celebrate the resilience, unity, and hope that have defined our recovery journey. The road has been challenging, but with each passing year, our collective strength and determination grow even more evident.” ani Romualdez.

Pinasalamatan din ni Romualdez ang mga opisyal ng pamahalaan, unipormadong hanay, non-government organizations at international organizations na tumulong sa kanila.

Kinilala din ng House Speaker ang malaking tulong ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. mula aniya noon hanggang ngayon.

“Kasama nating umiyak at nakiramay sa mga nawalan ng mahal sa buhay ang panauhing pandangal natin ngayon, si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Kasama natin siya sa pagbibigay ng agarang pagtulong sa mga nasalanta ng bagyo. Mula noon hanggang ngayon, kasama natin siya sa pagbangon hindi lamang sa Tacloban kundi maging sa iba pang lugar na winasak ni Yolanda.” dagdag nito.

Bilang patotoo naman sa pagnanais na tuluyang magkaroon ng bagong buhay ang mga naapektuhan ng bagong Yolanda ay inanunsyo nito ang pamamahagi ng pabahay sa mga biktima.

“A significant milestone in our journey to rebuild and uplift our community is the ceremonial distribution of land titles to our Pabahay beneficiaries. This is not merely a piece of paper; it represents our commitment to providing a stable and secure future for our people. It symbolizes hope, permanence, and the dream of every resident of Tacloban to have a place they can genuinely call home. Ito po ay handog sa atin ng Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. Bawat titulong hawak ninyo ay simbolo ng ating pagkakaisa para masigurong may maayos, mapayapa at maunlad na komunidad ang mahal nating Tacloban.” wika pa ng House Speaker.

Pangako din nito na bilang kinatawan ng Leyte ay patuloy niyang isusulong ikabubuti at ikauunlad ng mga taga-Tacloban ay kabuuan ng Leyte. | ulat ni Kathleen Jean Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us