Pagpapatrolya ng US at iba pang kaalyadong bansa sa West Philippine Sea, itinutulak ng ACT-CIS lawmakers

Facebook
Twitter
LinkedIn

Inihain ngayon sa Kamara ang House Resolution 1421, na layong payagan ng pamahalaan ang pag patrolya ng US at iba pang kaalyadong bansa sa West Philippine Sea (WPS).

Pangunahing may akda nito sina ACT-CIS Party-list Representative Erwin Tulfo, Edvic Yap at Jocelyn Tulfo; at sina Benguet Rep. Eric Yap at Quezon City 2nd District Rep. Ralph Tulfo.

Punto ni Tulfo, tila walang intensyon ang China na igalang ang ating mga karapatan sa mga karagatan na ating nasasakupan.

“If we allow this violation of our territorial integrity to continue, we will one day find the Chinese on our shores, and they will claim that they have a historical right over not only one part, but, God forbid, all of the Philippine archipelago,” ayon sa House Deputy Majority Leader.

Sa ilalim ng resolusyon, itinutulak na payagan ng ating pamahalaan ang US at iba pang kaalyadong bansa tulad ng Australia at Japan para magkaroon ng access sa EDCA sites sa Naval Base Camilo Osias, Sta. Ana, Cagayan, at Balabac Island, Palawan para sa joint naval at air patrols sa WPS.

Diin ni Tulfo, isang maliit na bansa lamang ang Pilipinas at mas lalakas ang pagtindig nito kung makikiisa sa military alliance.

“The Philippines is a small country. It can only find strength in numbers, and that is by joining a military alliance. That’s the reason why Japan and South Korea, both military and economic powerhouses, continue to host US military bases,” sinabi pa ni Tulfo. | ulat ni Kathleen Forbes

Radyo Pilipinas

Radyo Pilipinas is the flagship government AM radio station of the Philippine Broadcasting Service (PBS), which is under the Presidential Communications Operations Office (PCOO) of the Office of the President, Republic of the Philippines. Its frequency is 738khz on the Philippine AM band.

Recent Posts

Follow Us