Tatlong mambabatas ang nanumpa bilang bagong miyembro ng LAKAS CMD.
Ito ang inanunsyo ni Majority Leader Mannix Dalipe na kabilang sa mga nanumpa ay si Senior Deputy Speaker Aurelio Gonzales Jr.
Matatandaang nitong Lunes, sa gitna ng pagtalakay sa House Resolution 1414 ay nagbitiw si Gonzales bilang kurtisiya sa kaniyang partido na PDP-Laban.
Maliban kay Gonzales ay kasama ring nanumpa sina Pampanga Rep. Jon Lazatin at Siquijor Rep. Zaldy Villa.
Kahapon naman ay una nang umanib sa LAKAS si Nueva Ecija Rep. Mika Suansing.
Dahil dito, umakyat na sa 77 ang miyembro ng Kamara na bahagi ng LAKAS CMD. | ulat ni Kathleen Jean Forbes