Binigyang halaga ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rex Gatchalian ang papel na ginagampanan ng mga Local Chief Executive sa pagpapahusay ng pagpapatupad ng Kapit-Bisig Laban sa Kahirapan-Comprehensive and Integrated Delivery of Social Services (Kalahi-CIDSS).
Ito ang sinabi ni Gatchalian sa mga Local Chief Executive sa ginanap na National Consultative Meeting sa SMX Convention Center sa Angeles City, Pampanga.
Binigyang diin ng DSWD chief ang mga tungkulin ng mga LGU sa pagpapabuti ng access sa mga pangunahing serbisyo para sa mga Pilipino.
Ipinunto pa ng kalihim kung paano matutulungan ng mga LGU ang pamahalaan sa pagpapatupad ng Kalahi-CIDSS at sa mga sub-project sa ilalim ng programa.
Pinasalamatan din ni Gatchalian ang mga LGU bilang bahagi ng tagumpay ng programa.
Sa ginanap na National Consultative Meeting ngayong araw, dinaluhan ito ng 650 LCE mula sa Luzon, Visayas, at Mindanao.| ulat Rey Ferrer